Sabado, Enero 18, 2020

Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino


(Binasang papel sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika
ng STI Sta. Mesa Campus, Agosto 31, 2019)

Naimbag a malem (Ilocano); Maayong udto (Cebuano/Ilonggo); Maupay nga hapon (Waray); Maray na udto (Bicol); Mayap a gatpanapun (Pampango):  Magandang hapon.

Bago ako magsimula, pakitapik ang katabi ninyo sa kaliwa at pakisabing MABAYA KU SI KAU (I love you) (Yakan); pakitapik naman ung katabi ninyo sa kanan at pakisabing IDDU TAKA (Ibanag)

Mayroon po bang nakababatid kung ano ang kahulugan ng mga pahayag na sinabi ninyo?

Ang mga pahayag na iyan at ang pagbati ko sa inyo ay mga halimbawa ng katutubong wika, mga salitang hindi pamilyar pero kabilang sa mapang panlingguwistika ng ating bansa.  Ang mga wikang ito at iba pang wika sa bansa ay banyaga sa atin, aminin man natin o hindi.  Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating bisitahin ang mapang panlingguwistika ng ating bayan. 

Sa websayt ng Komisyon sa Wikang Filipino, ibinigay nila ang mga batayang simulain sa pagpili sa paksang “Wikang Katutubo:  Tungo sa Isang Bansang Filipino” bilang paksa ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon.  Bukod sa pakikiisa ito sa pagtatalaga ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO sa 2019 bílang taon ng mga katutubong wika sa buong daigidig o International Year of the Indigenous Languages (IYIL), narito ang mga simulaing batayan ng KWF: 

Una, ang Filipino bilang Wikang Pambansa ay tulay para maging wikang panlahat ng mahigit sandaang wika sa buong kapuluan;

Ikalawa, higit pa sa pagiging tulay, ang Filipino ay dapat payamanin sa pamamagitan ng mga wikang katutubo; at,

Ikatlo, kailangang gumawa ng mga hakbang upang sa isang banda ay igalang at mahalin ang bawat katutubong wika at sa kabilang banda, panatilihin itong buháy at ginagámit ng mga nagsasalita nitó.

Sa mga simulaing nabanggit, malinaw na hindi inihihiwalay ang pagkilala sa Wikang Filipino bilang wikang Pambansa at wikang pandugtong o tulay ng mga wikang katutubo.  Malinaw ring hangad ng paksang maikintal sa pambansang kamalayan ang halaga at gampanin ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa pagbuo ng isang bansang nagkakaunawaan.

Sa aklat nina Bernales at mga kasama (2008), inilahad na ayon sa pag-aaral ni Ernesto Constantino, may higit sa apat na raan (400) ang diyalekto na ginagamit sa kapuluan ng ating bansa. Sa Luzon, ilan sa mga halimbawa nito ay ang Ibanag ng Isabela at Cagayan, Ilocano ng Ilocos, Pampango ng Pampanga, Pangasinan ng Pangasinan at Bicolano ng Kabikulan. Sa Visayas ay mababanggit ang Aklanon ng Aklan, Kinaray-a ng Iloilo, Antique at Kanlurang Panay, Capiznon ng Hilaga-Silangang Panay at ang Cebuano ng Negros, Cebu, Bohol at iba pa. Samantala ilan sa mga dayalekto sa Mindanao ay ang Surigaonon ng Surigao, Tausug ng Jolo at Sulu, Chavacano ng Zamboanga, Davaoeño ng Davao at T’boli ng Cotabato.

Sa Pilipinas, ayon sa KWF Atlas, may 130 katutubong wika tayo; samantala sa www.ethnologue.ph, may 175 tayong katutubong wika, apat dito ay hindi na ginagamit kaya itinuturing nang patay. 

Sa isang artikulo ng PIA o Philippine Information Agency, ayon sa tala ng UNESCO, 2,680 wika ng daigdig ang nanganganib maglaho sa hinaharap kung hindi magkakaroon ng kongkretong pagpaplano at aksiyon sa pagsagip dito.  Ibig sabihin, tinatanggap maging ng UNESCO na kailangang may gawin upang masagip ang mga katutubong wika ng Pilipinas o ng iba mang bansa.  Ngunit bakit nga ba kailangan nating sagipin ang mga wikang ito?  Ano ba ang wika?

Sa aklat nina Castillo at mga kasama nakatala na walang bahid alinlangan na integral na bahagi ng tao ang wika. Gamit niya ito hindi lamang upang mabuhay (to live) kundi maging upang makapanatili (to exist).  Sa wika nailarawan ang tagumpay at pagkabigo. Sa wika nasagot ang mga tanong at naipabatid ang mga kaalaman. Sa wika idinikta ng mga pinuno ang kanilang kapangyarihan at sinakop ang kanyang hangganan. Ika nga ng pilosopong Ingles na si Alfred North Whitehead, ang wika ng lipunan ay nagpapakita ng kanyang kaisipan, ng salamin ng kanyang lahi, at ng kanyang katauhan.

Kasangkapan ng tao ang wika upang makipag-ugnayan sa kanyang kapwa. May taglay itong kapangyarihang umaangkop sa pangangailangan ng panahon upang maipagpatuloy ang sibilisasyong pantao. Ayon nga kay Zdenek Salzman, ang wika ay may kapangyarihang taglay upang mapanatili ang pakikipamuhay sa mundo.

Ani nga ni Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura Bienvenido Lumbera sa kanyang sanaysay, parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito.

Batay naman sa KWF, kinilala ang wika bilang kaluluwa ng bansa at kabilang ito sa pamanang pangkultura o intangible heritage ng isang lahi. Sa wika matatagpuan ang mga kayamanang pangkultura tulad ng identidad, gunita, oral na tradisyon, at panitikang nakasulat.

Mula naman kay Abadilla sa kanyang artikulong “Epistemolohiyang Filipino sa Karunungang Pilipino”, sinasalamin ng wikang Filipino ang pagkatao, pagkabayan, pagkamamamayan at pagkalahi ng mga Pilipino.  Ang wika ay mukha at isip na magkakaiba sa sangkatauhan.

Ang kultura ay naisasalin sa wika at ang wika ay naglalahad ng kasaysayan ng mga taong gumamit nito.  

Sa mga kahulugang nailahad, malinaw na naibigay ang mga gampanin, tungkulin at kahalagahan ng wika, pambansa man o katutubo.  Nabigyang-diin na ang wika ang nagbubuklod sa mamamayan ng isang lipunan habang nagtitipon ito ng pagkakakilanlan ng isang lahi.  Ngunit paano nga ba kapag maraming wika tulad ng kalagayan ng Pilipinas?

Sa ating bansa, yaman ang pagkakaroon ng maraming katutubong wika sapagkat marami ang maaaring maging hugutan upang ganap na mapaunlad ang wikang pambansa at maisakatuparan ang itinakda ng batas.  Ayon nga sa ating Saligang Batas ng 1987, sa Artikulo 14 na may titulong Edukasyon, Agham at Teknolohiya, mga Sining, Kultura at Sports, sa ika-6 na seksyon nakasaad na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.  Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.  Sa ika-7ng seksyon naman nakasaad na ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.  Nangangahulugang binigyan ng kapangyarihan ng batas ang mga wikang katutubo upang magamit na mga wikang pantulong at saligan sa pagpapayaman at pagpapayabong ng wikang pambansa.  Nangangahulugan ding hindi natin nakikitang suliranin ang pagkakaiba-iba ng ating wika, bagkus ito ay lakas na kailangang pagyamanin.  Ang ganitong punto ay pinagtibay pa ng Akto Republika 7104 na nag-atas sa KWF upang bumuo ng mga polisiya, plano at programa upang matiyak ang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapagamit at pagpapanatili ng wikang Filipino at iba pang wika sa Pilipinas.

Maaari nating iangkla sa nabanggit na akto ang paggamit ng basikong edukasyon ng mother tongue-based education, bagamat alam nating bunsod ito ng pag-aaral ng Summer Institute of Linguistics mula sa karanasan ng Lubuagan Kalinga.  Sa pag-aaral na ito (2008), napatunayang higit na mahuhusay ang mga mag-aaral kung ang gamit ng guro sa pagtuturo ay ang una o inang wika ng mga mag-aaral na Lilubuagen.  Ginamit ang wikang natural o katutubo ng mga mag-aaral upang matutunan ang iba pang wika tulad ng Filipino at Ingles.  Ginamit na tulay ang katutubong wika bilang tulay ng pagkatuto sa pangalawang wika.  Napatunayan ng pag-aaral na kung magiging mahusay ang isang mag-aaral sa kanyang katutubong wika, magiging mahusay rin siya sa kanyang pangalawang wika.

Malinaw na naipakita ng talahanayan na ang paggamit ng katutubong wika bilang wikang panturo ay hindi nagpahirap sa pagkatuto sa ikalawang wika.  Kabaligtaran sa nababatid ng marami na kailangang gumamit agad ng wikang dayuhan upang maging mahusay sa wikang ito o anumang larangan, na nakita sa naging resulta ng pag-aaral. 

Ang ganitong punto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga wikang katutubo upang makabuo ng isang wikang panlahat, wikang pambansa sapagkat higit na magiging panlahat o pambansa ang wika kung ito ay mauunawaan at ginagamit ng mahusay ng nakararami.

Sa prinsipyo ng lingguwistika, ang maagham na pag-aaral ng wika, inaalam ang ubod ng wika upang ganap na matutunan.  Ano-ano nga ba ang katangian ng wika? 
  • Sinasalitang tunog ang wika
  • May masistemang balangkas ang wika
  • Arbitraryo ang wika
  • Ginagamit sa pakikipagtalastasan ang wika
  • Pantao ang wika
  • Kabuhol ng kultura ang wika 
Ang mga ito ay panandang hindi maihihiwalay ang katutubong wika sa pambansang wika o anumang wika.  Upang ganap mong matutunan ang ikalawang wika, kailangan mo munang alamin ang tunog, balangkas at kulturang kaakibat ng iyong unang wika.  Sa pag-alam mo sa mga ito, nahahasa ang iyong kahusayang panlingguwistika kaya’t nagiging madali na ang pagkatuto ng anumang wika, higit kung dayuhan ang wika at hindi natural ang paggamit nito sa lipunang iyong kinabibilangan.

Dahil “ipinipilit” sa atin ang isang wikang hindi katutubo sa atin, nagkakaroon tayo ng “kalituhan” sa nararapat na wikang gagamitin.  Hindi tayo nagiging bihasa sa anumang wika, bagkus ay pareho natin itong “nasasalaula”.

Sa pag-usbong ng iba’t ibang “anyo” ng salita, kinailangang bigyan ng antas ang wika upang mauri ito at maiwasto ang paggamit.  Sa aklat nina Carpio at mga kasama, may limang antas ang wika: 
  • Balbal
  • Lalawiganin
  • Kolokyal
  • Pambansa
  • Pampanitikan 
Ang mga kaantasang ito ng wika ang nag-aangkop sa mga salitang ginagamit sa pakikipagtalastasan.  Sapagkat ang tagumpay sa pakikipagtalastasan ay nababatay sa kaalaman at kasanayan sa lawak ng wikang ginagamit, gayundin sa pagtitiwala sa sarili sa pagpapadala ng mensaheng may kahalagahan.

Gayunman, sa Pilipinas na isang multilingguwal na bansa, maraming dapat bigyang-konsiderasyon sa pagkakaroon ng maraming wika. Isa na rito ang pagkakaiba-iba sa magkakamag-anak na wika o barayti ng wika. Ayon kay Constantino mula sa aklat nina Bernales at mga kasama, ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolingguwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogenous ng wika. Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.

Ano-ano nga ba ang barayti ng wika? 
  • Diyalekto
  • Sosyolek
  • Rehistro ng wika

a.    Jargon
b.    Idyolek

Ang mga barayting ito ay ibubuod natin sa dalawang baryabilidad lamang:  baryasyong sosyal at baryasyong heograpiko. Sa pag-aaral ng mga sosyolingguwista, tinalakay nila ang epekto ng lipunan sa wika ng tao. Ang pag-usbong ng mga baryasyon ng wika ay may malaking kinalaman sa estado ng buhay, kasarian, trabaho, antas ng pinag-aralan at paniniwala.  Maging ang teritoryo, lugar o espasyo ay may malaking epekto sa pagkakaroon ng barayti ng wika.  Ang mga bansang binubuo ng mga pulo ay tiyak na kakikitaan ng iba’t ibang wika kahit na ang mga wikang ito ay mula lamang sa iisang angkan.  Samantalang ang mga bansang peninsular o isang isla lamang tulad ng Japan, ay tiyak na monolingguwal o may iisang wika lamang. Samakatuwid, ang ugnayan ng mga tao sa loob ng isang komunidad o lipunan ay nakaiimpluwensya sa pagkakaroon ng barayti

Ayon kay Jean Jacques Rousseau, (1950) na hinango sa libro nina Castillo at mga kasama, ang pagkakaiba sa kultura at wika ay nagbubunga sa bawat panahon, pag-uugali at kaasalan, na may kaugnayan sa di pagkakapantay-pantay ng mga wika, sangkot ang tagapagsalita, kultura at sibilisasyon. Walang isang wika ang nakahihigit sa iba pang wika. Ang pagkakaroon ng dibersidad pangwika sa ating bansa ay bunga ng dimensiyong heograpikal. Ang ating teritoryo ay arkipelago kaya nahati ito sa iba’t ibang rehiyon na kakikitaan ng iba’t ibang wika. Ang Wikang Tagalog, halimbawa ay sinasalita, hindi lamang sa Maynila kundi maging sa malaking bahagi ng Luzon. Dahil sa magkakaibang lugar, nagkaroon ito ng barayti na makikita sa paraan ng pagsasalita, tono o punto at estruktura ng pangungusap.

Dito pumapasok ang kaisipan ng dibersidad panlingguwistika.  Ito ang tiyak na panukat sa densidad o lawak ng wika o pagtutuon sa pagsasama-sama ng mga wikang may mga sariling kakanyahan.  Sakop nito ang iba’t ibang kaangkinan ng wika tulad ng balarila, talasalitaan, at diskurso.  Isang pangangailangan ang dibersidad o pagkakaiba-iba tungo sa ganap na pagbabago at pag-unlad at ang pinakamalakas na ekosistema ay ang may pinakamalawak na pagkakaiba-iba.  Ang pagkamatay ng isang wika ay makabuluhang pagkawala sapagkat nagpapakita ito ng pagkawala o kamatayan ng minanang kaalaman at kultura. 

Ayon sa KWF, maituturing na "endangered" ang isang wika sa iba-ibang antas: kung hindi naisaayos ang sistema nito, kung hindi na naipasa ang wika ng mga matatanda sa nakababata, kung tanging matatanda na lang ang nagsasalita nito, o kung hindi na ito ginagamit ng kahit sinong buhay na tao.  Sa websayt ng study.com isinaad na tinatayang 96% ng mga wika ay sinasalita lamang ng 3 – 4 % ng tao.  2,000 ng mga wika sa daigdig ay mas kaunti sa 1,000 ang katutubong mananalita.  Ang ganitong kalagayan ay kinilalang penomenang pangkultura.  At higit na pangangalaga sa mga katutubong wika ang kailangan. 

Dapat banggitin na nirebisa ng KWF ang kasalukuyang ortograpiyang Filipino upang maging bukás sa pagtanggap ng mga katangiang pangwika na wala sa Tagalog. Sa ngayon, ang pinalalaganap na Ortograpiyang Pambansa (OP) ay nagtataglay na ng mga dagdag at mungkahing katangiang pangwika na mula sa mga katutubong wika.  At kasalukuyang binubuo ang isang pambansang adyenda sa pagsagip sa mga nanganganib na wika at hinihikayat ng KWF ang lubusang pakikiisa sa proyektong ito ng mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng DepEd, DILG, NCIP, NCCA, NEDA, at DSWD.

Ang mga pagkilos na ito ang magbubuo sa mga wikang katutubo tungo sa isang wikang Filipino.

Dapat ding banggitin natin na may global nang pagkilala ang wikang Filipino.   Isang patunay ang isang koreanang nagtapos ng pag-aaral sa Busan University na nagmedyor sa Filipino at ang pagtuturo ng wikang Filipino sa Canada (mula sa facebook.com).    

Ibilang pa ang paghahain ng programang Philippine Studies sa University of London; Master of Arts in Filipino sa Beijing, China; programang Philippine Studies sa Gaida University sa Osaka, Japan; BA in Filipino sa University of Hawaii; at bilang mga kurso o asignatura sa Busan University of Foreign Studies; Sorbonne University, France; Mataas na Paaralan sa Melbourne, Australia; at San Diego, California.  Higit na maipagyayabang na kinikilala at itinuturo sa 70 mataas na paaralan sa San Diego, California na ang filipino ay “world’s language”.

Sa pagtatapos ko, nag-iiwan ako ng hamon sa inyong lahat… totoong binigyan na ng pinalidad ng CHED ang pagtatanggal sa Filipino sa kolehiyo, subalit nag-iwan ng probisyon ang Korte Suprema sa pagpapahintulot sa mga Higher Education Institutions na maghain pa rin ng Filipino sa kolehiyo… magtimbang ng katotohanan… matagal nang panahon namamayani sa kaisipan ng mga Pilipino na higit na kailangan ang wikang Ingles upang umunlad, pero may kaunlaran nga ba sa ating lipunan?  Ang South Korea ay hindi nag-aral mag-Ingles pero maunlad ang kanilang bayan.  Ang Japan ay hindi tinanggap ang konseptong kailangang matuto ng ibang wika, maunlad ang kanilang ekonomiya.  Ang China ay nananatiling sariling wika ang gamit sa lahat ng larangan maging sa teknolohiya, hindi pahuhuli sa mayayamang bansa.

Huwag maging dayuhan sa sariling bayan.  Huwag maging mulala sa sariling wika.

Muli, mayad nga hapon (Aklanon).  Raku gid nga Salamat (Karay-a)



Sanggunian:
 Abadilla, Bayani.  EPISTEMOLOHIYANG FILIPINO SA KARUNUNGANG PILIPINO. Filipinolohiya, 2002 Bernales, Rolando A. et al. (2008). Mabisang Komunikasyon sa Wikang Pang-Akademiko. Mutya Publishing: Malabon City. Carpio, Perla D. et. al.  Komunikasyon sa Akademikong Filipino, 2012 Castillo, Mary Joy A., et.al.  PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK | P2TP Jimczyville Publications Padre, Joe.  Mother tongue instruction in Lubuagan:  A case study from the Philippines. SpringerLink/International Review of Education, Vol 1/ 1995 – Volume 57/2011 https://www.ethnologue.com/country/PH https://pia.gov.ph/news/articles/1022914 Tagalog PR: Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino ang tema ng Buwan ng Wika 2019 By KWFPublished on June 6, 2019

Mayroong 175 wika sa Pilipinas, 171 dito ay nanatiling gamit pa at 4 ay tuluyang lumipas na.  Ang mga sumusunod ang 171 na buhay na wika sa Pilipinas (ethnologue.com):
·         Agta (Alabat Island)
·         Agta (Camarines Norte)
·         Agta (Casiguran Dumagat)
·         Agta (Central Cagayan)
·         Agta (Dupaninan)
·         Agta (Isarog)
·         Agta (Mt. Iraya)
·         Agta (Mt. Iriga)
·         Agta (Remontado)
·         Agta (Umiray Dumaget)
·         Agutaynen
·         Aklanon
·         Alangan
·         Alta (Northern)
·         Alta (Southern)
·         Arta
·         Ata
·         Ati
·         Atta (Faire)
·         Atta (Pamplona)
·         Atta (Pudtol)
·         Ayta (Abenlen)
·         Ayta (Ambala)
·         Ayta (Bataan)
·         Ayta (Mag-Anchi)
·         Ayta (Mag-Indi)
·         Ayta (Sorsogon)
·         Balangao
·         Balangingi
·         Bantoanon
·         Batak
·         Bicolano (Albay)
·         Bicolano (Central)
·         Bicolano (Iriga)
·         Bicolano (Timog Catanduanes)
·         Binukid
·         Blaan (Koronadal)
·         Blaan (Sarangani)
·         Bolinao
·         Bontoc (Central)
·         Buhid
·         Butuanon
·         Caluyanun
·         Capampangan
·         Capiznon
·         Cebuano
·         Cuyonon
·         Davawenyo
·         English / Ingles
·         Filipino
·         Finallig
·         Ga'dang
·         Gaddang
·         Giangan
·         Hanunoo
·         Higaonon
·         Hiligaynon
·         Ibaloi
·         Ibanag
·         Ibatan
·         Ifugao (Amganad)
·         Ifugao (Batad)
·         Ifugao (Mayoyao)
·         Ifugao (Tuwali)
·         Iloko
·         Ilongot
·         Inabaknon
·         Inonhan
·         Intsik (Mandarin)
·         Intsik (Min Nan)
·         Intsik (Yue)
·         Iranon probinsiya ng Shariff Kabunsuan, Maguindanao, Lanao Del sur at parte ng Zamboanga[kailangan ng sanggunian]
·         Iraya
·         Isinai
·         Isnag
·         Itawit
·         Itneg (Adasen)
·         Itneg (Banao)
·         Itneg (Binongan)
·         Itneg (Inlaod)
·         Itneg (Maeng)
·         Itneg (Masadiit)
·         Itneg (Moyadan)
·         Wikang Ivatan
·         I-wak
·         Kagayanen
·         Kalagan
·         Kalagan (Kagan)
·         Kalagan (Tagakaulu)
·         Kalinga (Butbut)
·         Kalinga (Limos)
·         Kalinga (Lower Tanudan)
·         Kalinga (Lubuagan)
·         Kalinga (Mabaka Valley)
·         Kalinga (Madukayang)
·         Kalinga (Southern)
·         Kalinga (Upper Tanudan)
·         Kallahan (Kayapa)
·         Kallahan (Keley-i)
·         Kallahan (Tinoc)
·         Kamayo
·         Kankanaey
·         Kankanay (Northern)
·         Karao
·         Karolanos
·         Kasiguranin
·         Kinaray-a
·         Magahat
·         Maguindanao
·         Malaynon
·         Mamanwa
·         Mandaya (Cataelano)
·         Mandaya (Karaga)
·         Mandaya (Sangab)
·         Manobo (Agusan)
·         Manobo (Ata)
·         Manobo (Cinamiguin)
·         Manobo (Cotabato)
·         Manobo (Dibabawon)
·         Manobo (Ilianen)
·         Manobo (Matigsalug)
·         Manobo (Obo)
·         Manobo (Rajah Kabunsuwan)
·         Manobo (Sarangani)
·         Manobo (Kanlurang Bukidnon)
·         Mansaka
·         Mapun
·         Maranao
·         Masbatenyo
·         Molbog
·         Palawano (Brooke's Point)
·         Palawano (Central)
·         Palawano (Southwest)
·         Pangasinense
·         Paranan
·         Philippine Sign Language
·         Porohanon
·         Ratagnon
·         Romblomanon
·         Sama (Central)
·         Sama (Pangutaran)
·         Sama (Southern)
·         Sambal
·         Sangil
·         Sorsogon (Masbate)
·         Sorsogon (Waray)
·         Subanen (Central)
·         Subanen (Northern)
·         Subanon (Kolibugan)
·         Subanon (Western)
·         Subanon (Lapuyan)
·         Sulod
·         Surigaonon
·         Tadyawan
·         Tagabawa
·         Tagalog
·         Tagbanwa
·         Tagbanwa (Calamian)
·         Tagbanwa (Central)
·         Tausug
·         Tawbuid (Eastern)
·         Tawbuid (Western)
·         Tboli
·         Tiruray
·         Waray-Waray
·         Yakan
·         Yogad
·         Wikang Bolinao
·         Wikang Hernan

Mga patay na wika[baguhin | baguhin ang batayan]

·         Agta (Dicamay)
·         Agta (Villa Viciosa)
·         Ayta (Tayabas)
·         Katabaga

45 komento:

  1. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  2. Bilang isang mag-aaral ng ABF/batsilyer ng artes sa Filipinolohiya ay nakikita kong hindi pa sapat ang apat na taon kung iginugol sa kursong ito upang mauanawaan ng husto ang mga iba't ibang wika na nilalaman ng Blog na ito, nakalulungkot dahil sa isang katulad ko na mag aaral na kumukuha na mismo ng Filipino ay hindi sapat ang apat na taon para mapag-aralan ng buo ang mga ito. Kaya't papaano pa kaya ang ibang mga tao/mamamayan/mag-aaral na hindi kumukuha ng mga kursong kagaya ko. At ang ibang mga wika na nakapaloib mismo sa ating bansa ay nag mimistulang wikang dayuhan dahil ang tanging mga nakakaalam lamang nito ay ang mga gumagamit nito. Kaya't nararapat lamang na bigyang pansin ang mga pag aaral sa ating mga katutubong wika upang hindi ito mamatay, at mas marami pang ang makaalam.

    TumugonBurahin
  3. Ang blog na ito ay malaking tulong upang makintal ang pambansang kamalayan ang halaga at gpanin ng mga katutubong wika sa bansa.Hindi lingid sa ating kamalayan na ang ating Wikang Pambansa kasama ang mga Katutubong Wika ang nagsisilbing tulay upang mapagbuklod ang lahing Pilipino.Binubuhay nito ang ating kultura na siyang tumatayo sa identipikasyon o pagkakakilanlan ng ating pagkatao.Kaya't nararapat na mag karoon ng pag tuon ng pansin sa mga wikang ito ng ating pamahalaan, upang mas mapangalagaan ang ating mga Katutubing Wika at hindi ito tuluyang mawala. Katulad na lamang ng pag aaral sa sarili nilang wika o mother tongue learning system para patuloy na mag pasa pasa ang kanilang wika at hindi ito tuluyang mawala.

    TumugonBurahin
  4. Sa mga kahulugang nailahad, malinaw na naibigay ang mga gampanin, tungkulin at kahalagahan ng wika, pambansa man o katutubo. Nabigyang-diin na ang wika ang nagbubuklod sa mamamayan ng isang lipunan habang nagtitipon ito ng pagkakakilanlan ng isang lahi. Ngunit paano nga ba kapag maraming wika tulad ng kalagayan ng Pilipinas? Bilang mag aaral na kumukuha mismon ng asignaturang Filipino ang nanais ko Lang po sagutin ang tanong na " paano nga ba kapag maraming wika tulad ng kalagayan ng pilipinas? " Ang masasabi ko Lang po ay dapat pa natin maisulong o pagbukludin ang wikang pamabansa o katutubo natin dahil Kung ikompara tayo sa ibang bansa mas mayaman na tayo sa wika natin nanais ko pang maituunan natin ng pansin Ang ibat ibang wika natin upang mapalago at magamit natin sa hinaharap natin. Bilang mag aaral kulang na kulang sa amin ang apat na taon pag aaralan Ang mga wikang bansa natin.Hanggat walang sumusulong dito ito ay tuluyang mawawala at maisang bahala lamang. Bangkus tangkilikin pa natin Ang wikang merun sating bansa. Upang maibigay Alam sa mga taong Hindi pa ito talaga nakakalam. At magagamit sa hinaharap natin.

    TumugonBurahin
  5. Sa mga kahulugang nailahad, malinaw na naibigay ang mga gampanin, tungkulin at kahalagahan ng wika, pambansa man o katutubo. Nabigyang-diin na ang wika ang nagbubuklod sa mamamayan ng isang lipunan habang nagtitipon ito ng pagkakakilanlan ng isang lahi. Ngunit paano nga ba kapag maraming wika tulad ng kalagayan ng Pilipinas? Bilang mag aaral na kumukuha mismon ng asignaturang Filipino ang nanais ko Lang po sagutin ang tanong na " paano nga ba kapag maraming wika tulad ng kalagayan ng pilipinas? " Ang masasabi ko Lang po ay dapat pa natin maisulong o pagbukludin ang wikang pamabansa o katutubo natin dahil Kung ikompara tayo sa ibang bansa mas mayaman na tayo sa wika natin nanais ko pang maituunan natin ng pansin Ang ibat ibang wika natin upang mapalago at magamit natin sa hinaharap natin. Bilang mag aaral kulang na kulang sa amin ang apat na taon pag aaralan Ang mga wikang bansa natin.Hanggat walang sumusulong dito ito ay tuluyang mawawala at maisang bahala lamang. Bangkus tangkilikin pa natin Ang wikang merun sating bansa. Upang maibigay Alam sa mga taong Hindi pa ito talaga nakakalam. At magagamit sa hinaharap natin.

    TumugonBurahin
  6. Ang blog na ito ay tumutukoy sa pagpapaunlad ng ating wikang Filipino at 174 na katutubong wika sa buong Pilipinas upang ito ay hindi lumipas at makalimutan. Malinaw na nailahad ng manunulat ang kanyang punto para mapaunlad ang ating pambansang wika at mga katutubong wika. Ako rin ay namangha sapagkat isinaad ng manunulat na hindi batayan ang pagsasalita ng wikang banyaga upang umunlad ang naturang bansa. Ang kaunlaran nito ay masusukat sa pagtutulungan nating mga Pilipino na mapayabong at magamit ang mga wika ng ating bansa. Kanyang binigyang diin, na ang wika ang siyang nagbubuklod sa buong bansa ngunit paano na lamang sa bansang nagtataglay ng maraming wika, katulad ng Pilipinas? Sa aking pananaw bilang estudyante, dapat rin natin gamitin ang sarili at katutubo nating wika habang ginagamit natin ang ating wikang pambansa sa ganoong paraan ay mapapayabong natin ito at maiiwasan ang pagkawala nito.

    TumugonBurahin
  7. Ayon sa aking pag-iisip, akin namang naintindihan ang puntong ipinapaliwanag ng blog na ito kung saan inilalahad ng manunulat ang mga diskusyon patungkol sa kahalagahan ng wikang pambansa, kasama na rin ang wikang katutubo. Ako ay hindi tumututol na mapanatili ang mga katutubong wika sa ating bansa sa kadahilanang ito ay yaman na nagsisilbing hugutan upang ganap na mapaunlad, pagyamanin, at payabungin ang ating wikang pambansa. Ako ay sumasangayon sa mga dahilan kung bakit nga ba mahalaga ang ating wika, pambansa man o katutubo. Ipinaliwanag ng manunulat na ayon sa aklat nina Castillo at mga kasamahan niya, ginagamit ang wika hindi lamang upang mabuhay kundi upang ito’y makapanatili. Sa aking palagay, dito pa lamang sa linyang ito ay naipaliwanag na kaagad ang kahalagahan ng ating wika. Sinabi rin na sa wika nasagot ang mga tanong at naipabatid ang mga kaalaman. Sa aking pagtatapos, hindi hadlang ang pagkakaroon ng maraming wika sa ating bansa sapagkat ito ay ating sariling pagkakakilanlan at ito’y magsisilbing tulay upang mapaunlad pa ang ating pambansang wika.

    TumugonBurahin
  8. Naiintindihan ko ang mga puntong nais na sabahin ng may akda patungkol sa katutubong wika at sa ating pambansang wika. Sa ating bansa ay mayroong 174 na katutubong wika at para sa akin ay hindi dapat tanggalin ang mga katutubong wika dito sa ating bansa dahil ito ay isang yaman na dapat nating pagingatan at ito din ang nagsisilbing tulay upang mapaunlad ang ating wikang pambansa. Dapat ay inaaral at mas pinapayabong pa natin ang mga katutubong wika sa ating bansa upang hindi ito mawala.

    TumugonBurahin
  9. Mula sa aking nabasa, sinabi ng sumulat ang kahalagahan ng ating wikang pambansa at ng mga katutubong wika. Ako ay sumasang ayon sa mga pinunto ng manunulat. Nararapat naman talaga na panatiliin ang mga katutubong wika sa ating bansa dahil isa ito sa ating mga yaman na dapat ingatan. Naniniwala rin ako na hindi hadlang ang pagkakaroon ng maraming wika ang isang bansa dahil ito ay magsisilbing pagkakalinlan ng bawat isa. Ito ang bagay na nagagamit natin upang makipag komunikasyon. Ito ang isa sa mga bagay na ating dapat ipagmalaki at hindi ikahiya kahit na tayo ay namulat na sa wika ng mga dayuhan sa ating bansa. Ang wika ang nagbubuklod sa isang lipunan. Ang mga katutubong wika ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng mga tao sa nasabing lugar. Nararapat na ang mga tao ay respetuhin ang wika ng isa't isa. Bilang isang Pilipino nararapat lang na gamitin ang pambansang wika at panatiliin din ang wikang katutubo sa pamamagitan ng pag gamit din dito.
    MORALES, JHOANNA MAY S. BSBAFM 1-4

    TumugonBurahin
  10. Sinasabi sa blog na ito ang kahalagahan ng ating sariling wika at ang mga katutubong wika na mayroon tayo sa bansa. Ayon sa www.ethnologue.ph, ay maroon tayong 175 na katutubong wika ngunit apat dito ay itinuturing nang patay, nakakalungkot lamang dahil sa bawat pagdaan ng araw ay maraming katutubong wika ang hindi na nagagamit ay maaring ituring nang patay dahil lamang sa mga kapwa Pilipino na nanghuhusga sa mga taong ginagamit ang kanilang sariling wika. Katulad na lamang ng pinaniniwalaan ng lipunan na kung saan ang iyong kaalaman sa salitang ingles ay siyang nagiging batayan ng iyong talino, ang paniniwalanag ito ay higit na nagiging laganap dahil na lamang sa mga taong kinokonsidera ang wika bilang sukatan ng estado mo sa buhay at ang iyong talino. Nararapat lamang na pagyamanin at pag - aralan pa ang ating sariling wika at ang mga katutubong wika upang mas makilala ito hindi lamang sa buong bansa kung hindi pati na rin sa buong mundo dahil ang mga wikang ito ay ating yaman. Katulad nga ng pangwakas na pananalita ng may akda na hindi kailangan ng wikang ingles upang umunlad dahil maraming bansa ang hindi nag - aaral o gumagamit ng salitang ingles ngunit isa ito sa mga pinaka maunlad na bansa. Huwag tayong maging dayuhan sa ating sarili bansa.

    TumugonBurahin
  11. Ang 'Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino', ay naglalaman ng mahahalaang impormasyon patungkol sa ating wika at mga salik na nagiging dahilan kung paano nabuo ang iba't-ibang dayalekto sa ating bansa. Nailahad din sa artikulong ito ang kahalagahan ng mga katutubong wika bilang isang wikang pantulong o tulay upang ating matutunan ang pangalawang wika. Subalit sa dami ng wika ng ating bansa, karamihan sa mga katutubong wikang ito ay nanganganib ng mawala. Dahil na rin sa kadahilanang tayo ay binubuo ng marami pulo kaya't tayo ay nagkakaroon ng iba't-ibang dayalekto ng wikang Filipino.

    Matapos kong basahin at unawin ang artikulo. Aking napagtanto na ang wikang katutubo ay mahalaga upang tayo ay malinang ng panibagong wika. Ngunit sa kabilang banda ang wikang ito ay tuluyang nang inaalis sa atin, sa pag aakalang ang wikang banyaga ang syang nararapat pagtuonan ng pansin at hindi ang wikang sa atin mismo nagmula. Kung magpapatuloy ang ganitong papanaw ng maraming Pilipino, hindi malabo na ang yamang ating minana at kasaysayang kaakibat ng bawat wika sa ating bansa at tuluya nang mamawala. Kaya't ako ay tumututol na alisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat kung ito ay sasang-ayonan ng lahat. Ang bansang Pilipinas ay hindi na kaiba pa sa bansang syang sumakop at patuloy na sumasakop sa atin.

    AMARANTE, BEVERLY C. BSBAFM 1-4

    TumugonBurahin
  12. Ang wika ay isa sa napakahalagang elemento at sangkap ng isang matatag na bansa. Ito ang magsisilbing pagkikilanlan at linangin ang bawat katutubo sa ating bansa. Di sapat ang isa o dalawang oras upang matutunan ang lahat ng dayalekto ang meron ang ating mga katutubo sa buong Pilipinas.Kelangan pa natin ito pagtibayin upang di magkabuklod-buklod ang ating wikang katutubo ng ating bansa. Di natin dapat tanggalin ang meron sa ating katutubong wika dahil ito ay galing sa ating mga ninuno bagkus ay bigyan natin itong importansya para lalo pang umusbong ang ating mga katutubong wika. Magsisilbi din itong isang batayan kung gaano natin maipagmamalaki ang ating Wikang Filipino dahil ang natatanging wika na mga ito ay tayo lang ang meron at wala ang ibang bansa.

    TumugonBurahin
  13. Sa Impormasyong inilahad ukol sa kahalagahan ng wikang Pambansa o wikang katutubo, nabigyang halaga kung gaano ito nakakatulong sa bansa upang mapaunlad ang bansa at ang wikang pambansa, dahil ito ang magbubuklod sa atin bilang Pilipino na mas patibayin ang pagkakakilanlan ng wika sa ano mang lahi. Nararapat lamang na bigyang tuong pansin ang wikang atin upang mas mapayabong at mapa-unlad ang bansa at ang kultura na isa naring nanganganib. Bilang estudyante lalo sa panahon ngayon na kung saan nabubuhay na tayo sa dulot ng teknolohiya na nagiging sanhi ng pagkawalang halaga ng wikang pambansa dahil para sa karamihan, kapag ikaw ay mas marunong sa wikang Ingles ay makakapagbigay tulong o mapaunlad ang bansa dahil ikaw o tayo ay naiimpluwensiyahan na ng ibang dayuhan sa pamamaraan ng pagpapaunlad ng bansa. Bilang estudyante hindi naipapakilala ang wikang pambansa o wikang katutubo,dahilan kung saan mas inaayon na ng ibang paaralan ang pagtuturo ng wika sa panahon, dahil ngayon ay nasa panahon na tayo ng modernong pamamaraan ng pagkatuto at pamumuhay. Ipinahihiwatig lamang na higit na mas nakakatulong sa ating bansa o bilang Pilipino ang pagaaral ng iba pang wika, na makakapagbigay saatin ng magandang buhay sa kinahaharap. Mainam lamang na tulungan tayo ng mga ahensiya ng Pamahalaan na mas bigyang pansin ang ating wikang pambansa, dahil hanggang sa huli ay ang wika natin ang makakapagpaunlad ng bansa at ng pagiging Pilipino. Dahil nakatutulong ito na mapalaganap pa natin ang kultura sa ibang dayo ng bansa. Ang wikang pambansa ang magsisilbing tulay upang mapagbuklod ang dugo at lahing Pilipino,dahil binubuhay nito ang kultura na nagiging daan sa pagkakakilanlan ng pagkatao ng isang Pilipino.

    BSBA FM 1-4

    TumugonBurahin
  14. Betorico, John Lawrence
    BSBA FM 1-4


    Sang ayon ako sa aking mga nabasa. Bigyang importansya ang ating wika at ang iba pang dayalekto na ginagamit ng mga katutubo sa iba`t- ibang parte ng ating bansa. Sa katunayan ay pumukaw ito ng aking atensyon ang pag aralan pa ng labis ang ating wika ng sa gayo`y` hindi maging mang mang ang mga tao tungkol sa ating pagkakakilanlan. Ang wika ay napakahalaga ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan at daan upang makapagbigay tayo ng saloobin at makipagdiskusyon sa ibang tao. Ang pagpapayabong ng sariling wika na Filipino at iba pang katutubong wika ay magdadala satin kalinawan kung sino tayo bilang mga Pilipino. Hindi hadlang kung maraming wika ang mayroon sa bansa ito ay pagkakalinalan at pamana sa atin na dapat nating protektahan.

    TumugonBurahin
  15. Mark Ryan M. Cristobal
    BSBAFM 1-4

    Malinaw na nailahad ng sumulat ang kanyang mabuting layunin upang mapanatili natin ang pagpapahalaga sa ating sariling Wika, ilan sa ating mga katutubong wika ay tuluyan ng nawala o namatay sapagkat wala ng tao ang gumagamit nito. Gaya nga ng turo sa amin ng aming propesor na si ginoong Arlan Camba sa Filipinolohiya noong ako nasa ikalabing-dalawa ng antas sa Politeknikong Unibersidiad ng Pilipinas na ang wika ay sumasalamin sa pagkatao ng gumagamit nito, kaya't kung ating iingatan at patuloy na bibigyang halaga ang Wikang Filipino at ang Katutubong Wika ito ay sasalamin sa kung paano natin pahalagahan ang ating sarili bilang isang makabayan. Kaya't kung ninanais nating umunlad ang ating bansa tulad ng kaunlaran ng karatig bansa marapat lamang na ating ipagmalaki ang Wikang Filipino at ang mga Katutubong Wika upang magkaroon tayo ng bansang nagkakaisa at pinagbubuklod ng wikang Filipino tungo sa kaunlaran nito.

    TumugonBurahin
  16. Karryle Leila P. De Leon
    BSBAFM 1-4
    Sa aking pagbabasa nang artikulong ito, hindi maitatanggi ang aking saya at pagkainteresado. Bilang isang tubong Metro Manila na ipinanganak at lumaki sa syudad ng Parañaque, wala akong pangalawang wika. Una at nagiisang wika ko ang Filipino or Tagalog. Hindi ko na itatanggi ang aking interes sa iba pang katutubong wika na mayroon sa Pilipinas. Minsan na rin sa aking buhay na nangarap akong makatuto ng iba pang wikang sinasalita sa Pilipinas. Bukod na syempre rito ang aking kagustuhan na matuto ng Ingles sapagkat ito ay kailangan sa eskwelahan. Lubos akong humahanga sa aking mga kakilala, kapamilya o kaibigan na may iba pang wikang sinasalita. Naaalala ko na madalas akong magpaturo o magpasalin sakanila ng ilang pangungusap sa tagalog patungo sa kanilang lenggwahe. Isang tipikal na gawain ng isang tubong Manilenyo. Madalas gusto kong malaman kung paano sasabihin ang “Mahal kita o I Love you” sa iba pang katutubong wika kagaya ng Bikolano, (ang aking lola ay tubong Bicol) o kaya naman ay sa Kapampangan sapagkat mayroon akong kaibigan na sumasalita nito. Kaya naman hanga ako sa iba pang katutubong wika mayroon ang aking bansa. Mangha ako sa dibersidad ng mga ito. At tunay ngang sa aking sarili, ito ay itinituring na yaman ng bansa. Alam kong iba ang halaga ng wika kumpara sa mga iba pang bagay. Ito ay lubhang napakaespesyal para sa lahat ng tao. Ito ay may kapangyarihan na mapagbuklod-buklod ang isang sambayanan. Natutuwa rin naman ako sa mga pagbabago at pagunlad na tinatamasa ng wikang Filipino. Tunay ngang nagkaroon na ito ng iba’t ibang anyo o barayti depende sa lokasyon, gamit at sa kung sino ang ating kausap. Nawa’y patuloy na mapaigting ang wika, pagyabungin at pagyamanin pa ito ng henerasyon ngayon at ng mga susunod pa.

    TumugonBurahin
  17. Base sa aking pagka-intindi, ang blog na ito ay patungkol sa pagbubuo sa mga wikang katutubo tungo sa isang wikang Filipino. Sa aking pananaw, marapat lamang na igalang at mahalin ang bawat katutubong wika at panatilihin itong buhay sa paggamit ng mga nagsasalita nito sa kadahilanang ang wika ay kasangkapan ng tao upang makipag-ugnayan sa ating kapwa. Ito rin ay kinikilala bilang kaluluwa ng ating bansa at ito ay pamanang pangkultura ng isang lahi kung saan matatagpuan ang ang mga kayamanang pangkultura, batay sa KWF. Maraming tayong katutubong wika ngunit hindi ganoong napauunlad kaya't marapat lamang na gumawa ng mga polisiya, plano, at progarama upang ang mga ito'y mapaunlad at mapanatili ang ating mga wika. Ayos lamang sa akin ang paggamit ng mga wikang dayuhan sa kadahilanang ang Pilipinas ay isang multilingguwal na bansa ngunit huwag nating baliwalain at isantabi ang ating mga wikang katutubo bagkus ay aralin din natin ang mga ito tulad ng pag-aral natin sa mga wikang hindi sa atin. Gaya nang sinabi ng manunulat ng blog na ito, "Huwag maging dayuhan sa sariling bayan. Huwag maging mulala sa sariling wika."

    PILON, CRISLYN SHANE B.
    BSBA FM 1-4

    TumugonBurahin
  18. SANTOS, NICOLE ANN M.
    BSBA FM 1-4

    Inilahad ng blog na ito ang kalagayan at kahalagahan ng ating sariling wika. Nabanggit din dito, na ang wika ay parte na ng ating pagkatao at tila ba katulad na ng ating hininga na sa bawat sandali ng ating buhay, ay kasama ito. Ang wikang Filipino ay isa na sa mga wikang nakasanayan at madalas nating ginagamit, ngunit sa panahon ngayon, ang mga wika ng ating katutubo ay tila unti-unti nang nababaon sa limot.

    Nabanggit din dito na hindi itinuturing ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wika bilang sulirainin, bagkus ito ay ating tinitingnan bilang isang kayamanan. Ito ang sumasalamin sa ating identidad, kultura, pagkatao at pagka-makabayan. Para sa akin, nararapat lamang na ituring na yaman ang mga ito, pagyabungin at pagka-ingatan ang iba’t ibang lengguwahe na mayroon tayo, sapagkat ito isa sa mga hakbang na kung mapagyabong ay magbibigay lakas sa atin tungo sa pag-unlad. Kung ang mga ito ay mawawala at tuluyan nang makalilimutan ng nakararami sa atin, masasalamin din dito ang hindi pagbigay ng sapat na atensyon at pagpapahalaga sa sariling atin.

    TumugonBurahin
  19. BSBA FM 1-4

    Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Ito'y madalas ginagamit ng mga Pilipino sa pang-araw araw na midyum sa pakikipagtalastasan at pagsusulat. Samantalang, dahil ang Pilipinas ay arkipelago, nahati ito sa iba’t ibang rehiyon kung saan kakikitaan ng iba’t ibang wika na kanila ring ginagamit naman sa pang-araw araw na pakikipagdiyalogo. Masasabi natin na mayaman ang Pilipinas pagdating sa wika dahil tayo'y may iba't-ibang wika at lenggwahe sa pakikipag ugnayan. Tunay ngang ang wika ay kaluluwa ng bansa at kabilang sa pamanang pangkultura ng mga katutubo at nakatatanda ng isang lahi. Sa wika matatagpuan ang mga kayamanang pangkultura tulad ng identidad, gunita, oral na tradisyon, at panitikang nakasulat. Subalit sa panahon natin ngayon ay madalas na rin tayong gumagamit ng wikang Ingles at iba pang pang dayuhan na wika. At dahil dito'y nakakalimutan na nating bigyan ng halaga ang sariling atin na makikita natin sa mga wika natin na naglalaho dahil mas ginagamit ang pang unibersal na wika. Ngunit lingid sa ating kaalaman na maaring magamit na tulay ang katutubong wika bilang tulay ng pagkatuto sa pangalawang wika. Dahil ang unang wika na kanyang natutunan ay nakatatak na sakanyang puso't isipan at mapapadali nalamang sakanyang pag-aralan ang iba pang wika sa pamamagitan ng kanyang katutubong wika. Kung kaya't ating pagyamanin at ipagmalaki ang sarili nating wika dahil ito'y sariling atin. Dahil ito ang ating kultura at ang wika ay naglalahad ng kasaysayan ng mga taong gumamit nito.

    TumugonBurahin
  20. Maraming nagsasabi na ang wika ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang bansa. Ayon sa ”Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino” maraming iba’t ibang katutubong wika sa ating bansa na dapat ingatan at patuloy na pagyamanin upang hindi ito malaos at mawalan ng silbi. Maganda ang saloobin ng mamamahayag tungkol sa pagpapaunlad ng mga wika sa ating bansa. Bilang isang tao, ang wika ang dahilan upang magkaintindihan at makapagpahayag ng saloobin ng bawat indibidwal. Kung hindi natin pagyayamanin ang mga wikang ito, malilimitahan lamang ang bawat indibidwal sa kapasidad na makipagusap sa ibang tao. Ang kaalaman at paggamit ng katutubong wika ay makakatulong sa pagpanatili ng komunikasyon simula sa ating bahay hanggang sa ating bayan. Ang pagkakaroon ng maraming katutubong wika ay pagpapalawak din ng pagpapahalaga at pagunawa sa ibang tao.

    Joner Rom M. Mariano
    BSBA FM 1-4

    TumugonBurahin
  21. Kirsten Joyce Q. Roberts
    BSBAFM 1-4

    Kung mayroon mang maipagyayabang ang ating bansa, ito ay ang ating wika. Binubuo ng 175 na katutubong wika ang ating lupain ngunit 4 dito ay patay na o wala nang nabubuhay na tao ang gumagamit nito. Sa aking pananaw bilang mag-aaral, layunin dapat ng lahat ng Pilipino na mapanatili ang mga salitang ginagamit natin; dapat lamang na ito ay ibahagi sa ating mga kabataan lalo na’t mas nagiging karaniwan na ang paggamit ng salitang Ingles sa pang araw araw nilang pamumuhay o ang lengguwaheng Koryano dahil sa napapanahong mga K-Drama na pinapanood nila. Gayunman, wala sa aking layunin na sabihing dapat iisa lang ang ginagamit nating pananalita. Sa blog na ito, higit na ipinahayag na walang wika ang mas nangingibabaw sa lahat. Nararapat lamang na tayo ay maging bukas sa magiging kalalabasan kung tuluyang kalimutan natin ang wika ng ating bansa. Sabay sabay nating pagyamanin at bigyang halaga ang wikang Filipino sapagkat ito ay sariling atin. Atin ding bigyang pansin ang mga maalindog na tono at bigkas ng bawat salita sa iba’t ibang diyalekto sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas kung kaya’t walang sino man o ibang bansa ang mas makakatimbang sa ganda ng wikang sinilangan.

    TumugonBurahin
  22. Rabusa, Cyra A.
    BSBA FM 1-4

    Ang blog na ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa ating wika. Dapat talaga nating bigyan ng pagpapahalaga ang paggamit ng wikang Filipino pati na rin ang mga wikang katutubo na mayroon ang ating bansa. Ang paggamit ng ating sariling wika ay makakatulong din upang mapaunlad natin ang ating bansa. Ang wikang katutubo ay dapat nating pag-ingatan dahil isa ito sa nakikita kong yaman na mayroon ang ating bansa. Sa panahon ngayon, ang wikang Ingles ang nagiging batayan ng katalinuhan bagamat hindi ako sumasang-ayon dito dahil tayo ay may sariling wika, nagmumukha lang tayong mangmang sa sariling bayan.

    Mahalaga na pagyamanin pa natin ang wikang Pambansa at ipagpatuloy ang paggamit ng wikang katutubo dahil ito rin ay magiging daan uoang makilala ng ibang bansa ang ating bansa.

    TumugonBurahin
  23. Sa aking palagay, higit na natatangi ang Pilipinas dahil bukod sa iba't-ibang kultura na matagpuan sa ating bansa, mayroon rin tayong iba't-ibang wika pa na atin lamang maririnig o matatagpuan sa ating dito. Ngunit kahit na ganun pa man maging ako ay nagtataka kung bakit mas tinatangkilik pa natin ang wikang ingles lalo na sa mga pang akademikong lugar at iba pang mga industriya, maari nga na tayo'y masyadong nahulog sa bitag ng ng mga mananakop na nag iwan sa atin ng mga pag-iisip na mas mababa ang kung anong meron sa ating bansa kumpara sa mga bansa sa kanluran, kaya naman nararapat lamang na gamitin nating batayan ang mga wikang bumubo sa Pilipinas upang mas mapalawig pa ang ating sariling wika, ang wikang Filipino, dahil higit na mas nakakatiyak tayo na sa hindi tayo nito gagawing dayuhan sa sarili nating bansa kundi ito ay mas magbubukas pa ng mga opportunidad upang tayo ay mas magkaroon ng prosperidad. Sa huli, hindi naman masama matuto ng banyagang wika kung ang layunin natin ay para lamang matuto at hindi upang isipin na dahil lamang sa alam natin ang wikang ito sa mas nakakaunlad o mas angat na tayo sa ating kapwa Pilipino at dahil bilang mga Pilipino dapat nating tanggapin na Pilipino lamang ang tulay upang ating bansa ay mas umunlad.

    TumugonBurahin
  24. BSBAFM 1-4
    Ang wikang Filipino ang sumisimbolo ng pagkakaisa, pagbubuklod at pagkakakilanlan. ito ‘yung wikang inaasahang nauunawaan at kayang salitain ng lahat ng tao saanmang pulo ng Pilipinas siya naninirahan. Bukod dito, ito ay nakasaad sa ating Saligang Batas. Ang wikang Filipino at panitikan ay mga sandata sa pagtataguyod ng katotohanan at katuwiran, lalo na sa panahon ng kasinungalingan, kawalan ng katarungan, at krisis panlipunan Hindi nararapat na tanggalin ang asignaturang Filipino sapagkat ang pagtanggal nito ay maaaring mangahulugang kontra sa pagiging makabayan. Maisasakatuparan lamang ang sinabi ni Jose Rizal na “ang kabataan ang pag-asa ng bayan at edukasyon ang susi sa kaunlaran” kung hindi mangmang sa wika ang mga kabataan. Nararapat na isulong ang asignaturang Filipino nang sagayon ay patuloy na maipayabong ang wika at kultura ng pagiging isang Pilipino.

    TumugonBurahin
  25. BSBAFM 1-4
    Francesca Fortin

    Ang wikang Filipino ang sumisimbolo ng pagkakaisa, pagbubuklod at pagkakakilanlan. ito ‘yung wikang inaasahang nauunawaan at kayang salitain ng lahat ng tao saanmang pulo ng Pilipinas siya naninirahan. Bukod dito, ito ay nakasaad sa ating Saligang Batas. Ang wikang Filipino at panitikan ay mga sandata sa pagtataguyod ng katotohanan at katuwiran, lalo na sa panahon ng kasinungalingan, kawalan ng katarungan, at krisis panlipunan Hindi nararapat na tanggalin ang asignaturang Filipino sapagkat ang pagtanggal nito ay maaaring mangahulugang kontra sa pagiging makabayan. Maisasakatuparan lamang ang sinabi ni Jose Rizal na “ang kabataan ang pag-asa ng bayan at edukasyon ang susi sa kaunlaran” kung hindi mangmang sa wika ang mga kabataan. Nararapat na isulong ang asignaturang Filipino nang sagayon ay patuloy na maipayabong ang wika at kultura ng pagiging isang Pilipino.

    TumugonBurahin
  26. Vegenia, Elmeranda A.
    BSBAFM 1-4

    Sa inilahad sa blog na ito, malinaw na isinasaad dito na marapat nating mas pagtuunan ng pansin at bigyang pagpapahalaga ang ating sariling wika higit sa wikang dayuhan. Ako, bilang isang mag-aaral, ay aminadong hindi lubos na nakauunawa sa aking sariling wika pagdating sa malalalim na salita. Dito ko lamang din nabatid na marami pa palang katutubong wika sa ating bansa higit sa aking nalalaman. Naunawaan ko na kung ating pahahalagahan at pag-aaralan ang ating wikang pambansa at sariling wika ay mas magkakaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ang ating bansa. Ang pagiging maalam sa sariling wika ay sumasalamin sa ating lahi, pagkatao, kultura at pagkamakabayan. Mas paigtingin pa natin ang pag-aaral at paggamit ng wikang atin at hikayatin ang iba upang sa ganoon ay hindi tayo tuluyang maging dayuhan sa ating sariling wika at manatili ito sa atin sa ating bayan hanggang sa paglaon ng panahon.

    TumugonBurahin
  27. Castillo, Leah Grace D.
    BSBAFM 1-4

    Tiyak na mahalaga ang wika sa ating pagkakakilanlan. Ito ay ang siyang sumasalamin sa kultura ng mga sumasalita nito. Ang wika ay ang siyang nagbubuklod sa mga mamamayan ng isang bansa. Ang ating bansa ay mayaman sa mga wika dahil bukod sa mayroon itong Pambansang Wika, mayroon din itong iba't-ibang wikang katutubo. Sa aking palagay, mahalagang pagyabungin hindi lamang ang ating Pambansang Wika ngunit pati na rin ang mga katutubong wika. Sa patuloy na pagbabago at modernisasyon, maraming wika ang nanganganib na maglaho sapagkat hindi na ito sinasalita. Mahalagang maikintal sa isipan na ang paggamit ng Ingles ay hindi ang basehan ng pagiging maunlad ng isang bansa. Sa aking palagay, ang tunay na maunlad na bansa ay may kakayahang patuloy na pagyamanin ang Pambansang Wika kasabay ng pagpapaunlad sa mga katutubong wika. Tunay na kinakailangan maikintal sa isipan ang kahalagahan ng wika sa isang bansa at sa mga lugar na nasasakop nito. Isang malaking midyum ang midya sa pagpapalawak ng kaalaman ng nakararami, maaari ito maging paraan upang patuloy na pausbungin ang kamalayan tungkol sa wikang Pambansa at wikang katutubo.

    TumugonBurahin
  28. AGNO, JERIELLE R.
    BSBA FM 1-4

    Ang blog na Ang 'Wikang Katutubo: Tungo sa isang Bansang Filipino', ay patungkol sa kahalagahan ng ating sariling wika at iba't ibang dayalekto. Mula sa aking nabasa, ako ay sumasang-ayon na karapat dapat nating pahalagahan ang ating sariling wika dahil ito'y nagsisilbing ating sariling kayamanan kaya naman ito'y dapat na pagingatan. Sa aking palagay ay hindi magiging hadlang ang pagkakaroon ng iba't ibang dayalekto. Maaaring ito'y maging daan para sa pagkakaintindihan ng bawat isa para sa pagkakaroon ng epektibong komunikasyon. Bilang isang mamamayang Pilipino, nararapat na tayo'y maging mapagmalaki sa ating sariling wika.

    TumugonBurahin
  29. Itinatampok sa artikulong ito ang kahalagahan ng pag-papaunlad ng mga wikang katutubo sa ating bansa. Inilalahad ng may-akda sa kanyang mga mambabasa ang tunay na halaga ng pagpapanatili ng katutubong wika sapagkat isa ito sa nagiging ugat o tulay upang mapaunlad at magkaroon ng pagkakaisa ang mga Pilipino. Ngunit ayon sa isang sarbey mula sa artikulong ito, tinatayang 171 na wikang katutubo na lamang ang natitirang buhay at patuloy na ginagamit sa ating bansa sa kasalukuyan.

    Bilang isang kabataan, nakakalungkot isipin ang unti-unting pagkawala ng mga itinuturing nating mga yaman ng ating wika dahil sa kakaunting bilang ng mga tao ang nakaka-alam at nakakakilala sa mga ito. Hindi ito maituturing na magandang pangyayari sapagkat nawawalan ng kulay ang ating kasaysayan. Kung kaya't hanggang may magagawa pa tayo upang mapanatili at muli nating akapin ang mga natitirang wikang katutubo, matututo na tayong pairalin at mapag-alab muli ang ating damdaming Nasyonalismo upang manumbalik ang sigla ng pagpapalaganap ng nga ito dahil ang mga wikang katutubo ay nagsisilbing salamin ng ating mayamang kultura at tulay tungo sa pag-unlad ng mamamayang Pilipino.

    DIAZ, MARIANNE F.
    BSBA FM 1-4

    TumugonBurahin
  30. Adriano, Rain Sherylyn C.
    BSBA FM 1-4

    Ang blog na ito ay ay naglalaman ng impormasyon patungkol sa ating wika at mga katutubong wika. Bilang isang Manilenyo, ang kinalakihan kong wika ay Filipino. Ngunit, kahit na ito ang wikang aking kinalakihan, inaamin ko na may mga ibang salita pa akong hindi alam lalo na kung ang salitang ito ay masyadong malalim. Kaya naman hindi ako pabor nung nalaman kong tatanggalin ang Filipino sa kolehiyo. Para sa katulad kong Manilenyo at kinalakihan na ang wikang Filipino ay masasabi kong hindi pa rin ito sapat upang maging dalubhasa ako rito, paano pa kaya sa iba na hindi naman ito ang unang wika. Naniniwala ako na kaya marami pa ring hindi dalubhasa sa sarili nating wika ay dahil mas nakatutok silang aralin ang dayuhang wika. Ang problema kasi sa lipunan ngayon ay ginagawang batayan ng talino ang kagalingan sa paggamit ng wikang ingles. Kapag ikaw ay hindi bihasa rito, ay katawa-tawa ka para sa kanila. Kaya naman nakakaligtaan na ng karamihan ang sariling atin, ang iba tuloy sa katutubong wika ay hindi na nagamit at tuluyan nang namatay. Nakakalungkot dahil isinasawalang bahala na lamang ang yaman ng ating bansa at mas naka pokus na sa banyagang wika at umabot pa sa punto na tinanggal ito sa kolehiyo. Kaya naman naniniwala ako sa sinabi ng may akda na dapat nating palaganapin at gamitin ang ating wika at ang mga katutubong wika. Kung ang ibang bansa nga ay inaaral ang ating wika paano pa kaya sa sarili nating bansa. Hindi ang banyagang wika ang magpapaunlad ng ating bansa. Naniniwala ako na isa sa paraan upang umunlad ang ating bansa ay ang ating sariling wika. Kaya naman patuloy nating aralin hindi lamang ang wikang Filipino, pati na rin ang mga wikang katutubo. Sabi nga sa huling bahagi ng blog, "Huwag maging dayuhan sa sariling bayan. Huwag maging mulala sa sariling wika."


    TumugonBurahin
  31. Sa pagbabasa ng artikulong ito ay nagkaroon ako ng mas malawak na kaalaman patungkol sa wika. Namangha ako sa kung paano nasimulan ang blog sapagkat doon pa lamang ay naihahayag na ang nilalaman ng blog na ito. Isang linya na nagpaantig sa aking ang pagkabanggit na hindi natin nakikitang suliraning ang pagkakaiba iba ng wika ngunit isa itong lakas na dapt pagyamanin. Nangangahulugan ito na hindi hadlang ang isang pagkakaiba ng kultura upang mapagbuklod ang mga ito. Nakakalungkot ang pagkapatay ng mga wika dahil isa itong pagkapatay din ng kultura. Sa ngayon ay mayroon na lamang 171 na wika ang buhay dito sa pilipinas at kung pa din natin ito maipapanatili ay isang kultura na naman ang mamatay. Kagaya ng sinabi sa blog na ito, hindi kinailangan ng ibang bansa ang ibang wika upang mapaunlad ang ating bayan. Tanggalin na natin sa ating isipan ang lisyang edukasyon na ipinamalas ng mga Amerikano at maging Pilipino sa ating bayan.

    Fernandez, Yna Shari Donne D.
    BSBAFM 1-4

    TumugonBurahin
  32. Gerodias, Julla Angeli J.
    BSBA FM 1-4

    Ang paggamit ng wika ay isa sa ating unang natututunan noong tayo ay bata. Ang wikang ating ginagamit ay inaaayon sa ating wikang unang kinagisnan at taong unang nakasama. Bilang ako ay isang Pilipino na unang kinagisnan ang wikang Cebuano, aking napagtanto na mahalaga na may alam tayo sa wika sapagkat nagkakaroon tayo ng mayamang ugnayan sa ating kapwa Pilipino. Maganda ang mayroon tayong wikang pinagyayaman bilang Pilipino sapagkat nagpapakita ito ng mayamang kultura ng ating bansa.
    Ang ang ating wika ay mahalagang mapaunlad sapagkat ito ay ginamit pa ng ating mga ninuno. Ang dahan-dahang hindi pagamit nito ay pagpapakita na hindi natin pinahahalagahan ang ating sariling pinagyamang kultura. Marami pa rin naman mga bansa ang umunlad sa paggamit ng kanilang sariling wika. Isa itong pagpapakita na hindi natin kailangan kalimutan ang ating sariling wika. Ang mahalaga ay naiintindihan natin ang isa’t isa. At ang pagpapatuloy ng paggamit ng ating wika ay makakatulong upang mas mapatatag pa natin ang ating ugnayan sa ating kapwa Pilipino. Ang bawat wika ay mahalaga at dapat ganoon din ang ating tingin lalo na sa ating sariling mga wika.

    TumugonBurahin
  33. DE LEON, ELISEAH ELAICA SHAINE D.
    BSBAFM 1-4

    Tunay na mahalaga ang ating mga katutubong wika kung kaya dapat natin itong pagyamanin. Ayon sa KWF atlas, meron tawong 130 na katutubong wika samantala ang Ethnologue naman ay sinasabing meron tayong 175 na katutubong wika at 4 rito ay hindi na ginagamit. Bago pa man tayo sakupin ng mga dahuyan ay mayroon na tayong sariling wika.

    Sa panahon ngayon marami na ang nawawalang wika dahil hindi na ito ginagamit at mas marami ang mga taong gumagamit ng wikang dahuyan. Para sa akin, sa pag-unlad ng ating bansa ay isabay ang pag-unlad ng sarili nating wika. Hindi naman kawalan ang pag-aral ng wikang dahuyan pero sana ay pag-aralin rin natin ng husto ang ating sariling wika.

    TumugonBurahin
  34. Ener M. Garcia
    BSBAFM 1-4

    Isang malaking bahagi o parte ng ating pagkakakilanlan ang pagkakaroon ng ating sariling wika. Ngunit hindi iisang wika ang ginagamit natin sa bansa dahil marami tayong mga iba't ibang wikang wikang katutubo na ginagamit na kung iisipin ay kakaunti nalang ang nakakakilala at nakakaalam. Upang mapanatili nating buhay ang mga wikang katutubong ito ay nararapat nating bigyan ng pansin at halaga ang mga ito dahil ito'y nagsisilbing yaman na tinataglay natin hanggang sa kasalukuyan. Kinakailangan na linangin pa natin ang ating mga isipan sa pag-aaral sa mga dayalektong hindi pa natin nalalaman dahil parte rin ito ng ating wika upang sa gayo'y makamit natin ang pambansang kaunlarang hinahangad sa kultural sa aspeto tungo sa pagiging isang bansang Pilipino

    TumugonBurahin